Selebrasyon.

Selebrasyon.

Wala pa akong naiisip na magandang regalo para sa'yo nung linggong yun. Inisip ko pa kung yung presence ko sa party mo ay sapat na. Sana. Dapat nga ganun nangyari. Nag-isip ako. Sandali lang, naisip ko na regaluhan ka ng isang liham, tsaka isang stuffed toy. Oo, nag-"go with the flow" ako. Pero yun lang naman siguro ang magpapasaya sa'yo.

Inisip ko kung paano ko isusulat ang liham. Love letter ba? Appreciation letter? Happy birthday greeting? Pero dahil pwede namang pag-ugnayin yung mga naisip kong mga paraan, pinagsama-sama ko ang lahat ng mga naisip ko para mabuo yung liham ko para sa'yo.

Binati kita dahil kaarawan mo. Pinasalamatan kita dahil ikaw madalas ang dahilan ng kasiyahan ko. Yung liham yung naging sign mismo na.. mahal na kita.

Bumili ako ng teddy bear kasi alam ko naman na mahilig ka sa mga cute na bagay. Sinabihan mo pa nga akong cute sa mga Snaps ko. Aside dun, cute na yung height mo (oops), cute ka pa (ayy grabe haha!). Bumili ako ng bear para sa'yo dahil ibibigay ko yan sa'yo para maging presence ko kapag matutulog ka na.

Kahit wala pang tayo.

Pero alam mo naman na lab kita hehe. Kaya alam kong tatanggapin mo.

Dumating yung araw na kinailangan kong ibigay sa katropa ko (na close friend mo rin) yung mga regalo ko sa'yo. Kabado ako nun. Buong araw kong iniisip kung ano ang mangyayari kapag natanggap mo na yung mga regalo ko. Matutuwa ka ba? Itatapon mo ba? Ipapabalik mo ba? Ang dami ng tanong sa utak ko.

Pero nagdasal na lang ako na sana walang mangyaring masama. Lalo na't ayokong masira ang kaarawan mo ng dahil sakin. Kahit mahal kita, ayokong maging abala.

Lumipas ang maghapon. Nagmessage ka. "Thank you, sobra." Pero di ka na nagreply nung sumagot pa ako. Siguro, pagod ka na. Siguro, umiinom ka pa nun. Siguro, gusto mo lang muna na ikaw lang.

Lumipas ang gabi. Umaga na. Tanda ko pa na dapat tatawagan mo ako kapag natanggap mo na yun liham pero naghintay ako. Wala. Online ka sa Facebook pero di mo ako sinasagot. Anong ginawa ko? May mali ba akong sinabi sa liham ko? 😓

Biglang nagchat sakin yung katropa ko (na tropa mo rin). Ang sabi niya, iyak ka raw ng iyak nung nabasa mo yung liham. Doon na ako nag-alala, dahil ginusto ko naman kasing maging masaya ka sa liham ko. Pero bakit? Nalungkot ka? Bakit?

Naalala mo raw yung ex mo. Dahil sakin. Naalala mo yung masasayang araw kausap siya. Dahil sakin. Naalala mo yung mga liham niya sa'yo. Dahil sakin.

Akala ko ba nakausad ka na mula sa kanya? Akala ko ba, susubukan mo nang mamuhay nang wala siya? Akala ko ba, nakalimutan mo na? Akala ko ba, wala na siya sa isip mo?

Akala ko lang pala. 😔

Umaasa ka pang babalik pa siya.

Kaya napag-isipan ko na rin na wag na muna kitang kausapin. Naka-mute ka sa FB ko, at sa kahit anong website yan na nakakachat kita. Isang linggo akong naghanda para diyan pero yung paghahanda ko rin pala yung makakapagsabi sakin na di ka pa handa na ako yung taong nandyan para sa'yo. Pasensya na, pero ayokong pinagkakasya sarili ko sa isipan mo habang may naiisip ka pang iba.

Ganun naman talaga kasi, kung kelan wala na yung tao, saka lang malalaman yung naging halaga nila sa buhay mo.

At kung pinagkakasya ko lang ang sarili ko sa buhay mo na umaasa ka pang babalik pa siya, mas mabuti pang siya na lang ang replyan mo imbis na ako. Kung sa bagay, nagpasalamat ka nga, pero di ka na sumagot.

Sinasayang ko lang siguro oras ko sa'yo. 😞


Comments

Popular posts from this blog

discombobulated. *2018 year review 👏👏*

My Last Love Letter.

Iskolar ng Bayan.