"nakaraan."
-para kay l-
~inspired by floopindabbin.wordpress.com/2017/09/22/torpe/
Pangako, di na halos kita iniisip. Wala ka na sa isipan ko, di ka na priority kapag nagtetext ka pa. Di na ako nagrereply kasi di na ikaw yung karapat-dapat replyan. Pero dito ko na ilalagay ang mga natitirang hinanakit ko, ikaw at yung kasama mong dating seminarista. Eto na, ang huli kong hinanakit sainyo sa'yo.
May pag-asa pa bang bumalik tayo sa kasiyahan natin dati? Yung tipong araw-araw may note ako sa phone ko kung anong nangyari sa atin, parang news bulletin nga kapag ako yung nagtatype eh. Puro may update. Minsan may positive, minsan may negative. Palaaway ka kasi, pero ako lagi nagsosorry pag nababadtrip ka na dahil sa akin. Baka napasobra yung mga biro ko sa'yo, pero hinayaan ko na. Sorry pa rin kahit di naman sinadya.
Tanda ko pa nung Disyembre, ang buwan nung nakilala kita. Halata namang wala ka (pang) gusto sa akin kasi mukha akong tanga dun. Pagod, stressed sa thesis. Pero lumitaw ako para makita lang kita. Crush kita dati eh.Pero isa ka nang dakilang tanga ngayon. Ako? Dakilang nakamove-on. Kaya yun, naging priority kita kasi crush nga kita noon, pero sinuklian naman ito ng pag-unti ng oras ko para sa mga kaibigan ko.
Lumipas ang mga buwan at naging magkaibigan tayo. Dumating yung araw na may marathon na event ang school natin. Maraming tao, nakakahiyang lumapit sa'yo. Pero biruan mo 'yon, ikaw pa naghanap sa akin sa event. Sinubukan mo pa ngang lumapit sa akin noong araw na 'yon. Pagkatapos pa ng event, may picture na tayong dalawa, sa wakas, pagkatapos ng ilang linggo na sinubukan ko. At pagkatapos noon, doon ko na nalaman na mahal mo na rin ako. Salamat.
Limot ko na halos yung araw kung kelan ipinahalata mo na sakin na may mahal ka na palang iba. Nalaman kong pangalawa lang ako sa puso mo. Ginusto na kitang kalimutan noong araw na 'yon, pero dahil unang beses ko pa lang umibig noon, nagpatanga ako sa'yo nung sinabi mong "Sorry. Di ko kayang mawala ka." Kaagad akong bumalik sa piling mo. Kasi mahal kita, at ramdam ko pa na mahal mo rin ako.
Paunti-unting nagbago ang lahat. Yung una mo (yung seminarista), halos sa kanya ka na nakapokus lagi. Ako naman, kinukuha ko lang atensyon mo kapag gusto ko. Kahit ayaw mo; kahit seenzone o inboxzone lang aabutin ko. Umasa akong rereplyan mo ako pero wala. Hanggang noong huling linggo ng pasukan nalaman ko na lang na boyfriend mo na yung seminaristang una mong minahal.
Ako yung nagpatanga sa two-timing. Ako yung nagpadala sa hanging galing sa'yo na nanghila ng buhawi na galing sa isang kulungan. Ako yung naiwan sa ere. Ako yung umasa sa wala. Ako yung nagmukhang timang sa maraming guro at estudyante. Ako yung walang nadatnan sa huli.
Ako yung hindi pinili.
Hanggang dalawang buwan na ang lumipas, may bagong taon na para sa pag-aaral ng mga estudyante, kabilang ako. Pero pangako, di na halos kita iniisip. Wala ka na sa isipan ko, di ka na priority kapag nagtetext ka pa, kahit nung first day ng school namin. Di na ako nagrereply kasi di na ikaw yung karapat-dapat replyan, iba na ang taong nirereplyan ko. Kahit alam kong wala siyang pakialam sa akin masyado, may pakialam pa rin ako sa kanya. Pero dito ko na ilalagay ang mga natitirang hinanakit ko sa'yo. Namiss ko dati yung dating ikaw, yung masaya nating ala-ala at lahat ng napagsamahan natin. Tinapon ko na lahat ng sulat at liham mo, pati mga regalo mo noong Araw ng Mga Puso. Binura ko lahat ng text mo at chat mo. Binago ko account ko para di mo na ako makita. Ginamit mo pa account ng ate mo, pero tiningnan ko lang chat mo at wala akong ginawa kundi isarado yung chat window na 'yon. Alam kong masaya ka na. Masaya na rin naman ako sa taong gusto ko. Magsama na kayo ng mapayapa at masaya, ikaw at yung kasama mong dating seminarista.
Ito na ang huling beses na ikukwento ko ang storya nating dalawa.
Paalam, salamat.
David
~inspired by floopindabbin.wordpress.com/2017/09/22/torpe/
Pangako, di na halos kita iniisip. Wala ka na sa isipan ko, di ka na priority kapag nagtetext ka pa. Di na ako nagrereply kasi di na ikaw yung karapat-dapat replyan. Pero dito ko na ilalagay ang mga natitirang hinanakit ko, ikaw at yung kasama mong dating seminarista. Eto na, ang huli kong hinanakit sa
May pag-asa pa bang bumalik tayo sa kasiyahan natin dati? Yung tipong araw-araw may note ako sa phone ko kung anong nangyari sa atin, parang news bulletin nga kapag ako yung nagtatype eh. Puro may update. Minsan may positive, minsan may negative. Palaaway ka kasi, pero ako lagi nagsosorry pag nababadtrip ka na dahil sa akin. Baka napasobra yung mga biro ko sa'yo, pero hinayaan ko na. Sorry pa rin kahit di naman sinadya.
Tanda ko pa nung Disyembre, ang buwan nung nakilala kita. Halata namang wala ka (pang) gusto sa akin kasi mukha akong tanga dun. Pagod, stressed sa thesis. Pero lumitaw ako para makita lang kita. Crush kita dati eh.
Lumipas ang mga buwan at naging magkaibigan tayo. Dumating yung araw na may marathon na event ang school natin. Maraming tao, nakakahiyang lumapit sa'yo. Pero biruan mo 'yon, ikaw pa naghanap sa akin sa event. Sinubukan mo pa ngang lumapit sa akin noong araw na 'yon. Pagkatapos pa ng event, may picture na tayong dalawa, sa wakas, pagkatapos ng ilang linggo na sinubukan ko. At pagkatapos noon, doon ko na nalaman na mahal mo na rin ako. Salamat.
Limot ko na halos yung araw kung kelan ipinahalata mo na sakin na may mahal ka na palang iba. Nalaman kong pangalawa lang ako sa puso mo. Ginusto na kitang kalimutan noong araw na 'yon, pero dahil unang beses ko pa lang umibig noon, nagpatanga ako sa'yo nung sinabi mong "Sorry. Di ko kayang mawala ka." Kaagad akong bumalik sa piling mo. Kasi mahal kita, at ramdam ko pa na mahal mo rin ako.
Paunti-unting nagbago ang lahat. Yung una mo (yung seminarista), halos sa kanya ka na nakapokus lagi. Ako naman, kinukuha ko lang atensyon mo kapag gusto ko. Kahit ayaw mo; kahit seenzone o inboxzone lang aabutin ko. Umasa akong rereplyan mo ako pero wala. Hanggang noong huling linggo ng pasukan nalaman ko na lang na boyfriend mo na yung seminaristang una mong minahal.
Ako yung nagpatanga sa two-timing. Ako yung nagpadala sa hanging galing sa'yo na nanghila ng buhawi na galing sa isang kulungan. Ako yung naiwan sa ere. Ako yung umasa sa wala. Ako yung nagmukhang timang sa maraming guro at estudyante. Ako yung walang nadatnan sa huli.
Ako yung hindi pinili.
Hanggang dalawang buwan na ang lumipas, may bagong taon na para sa pag-aaral ng mga estudyante, kabilang ako. Pero pangako, di na halos kita iniisip. Wala ka na sa isipan ko, di ka na priority kapag nagtetext ka pa, kahit nung first day ng school namin. Di na ako nagrereply kasi di na ikaw yung karapat-dapat replyan, iba na ang taong nirereplyan ko. Kahit alam kong wala siyang pakialam sa akin masyado, may pakialam pa rin ako sa kanya. Pero dito ko na ilalagay ang mga natitirang hinanakit ko sa'yo. Namiss ko dati yung dating ikaw, yung masaya nating ala-ala at lahat ng napagsamahan natin. Tinapon ko na lahat ng sulat at liham mo, pati mga regalo mo noong Araw ng Mga Puso. Binura ko lahat ng text mo at chat mo. Binago ko account ko para di mo na ako makita. Ginamit mo pa account ng ate mo, pero tiningnan ko lang chat mo at wala akong ginawa kundi isarado yung chat window na 'yon. Alam kong masaya ka na. Masaya na rin naman ako sa taong gusto ko. Magsama na kayo ng mapayapa at masaya, ikaw at yung kasama mong dating seminarista.
Ito na ang huling beses na ikukwento ko ang storya nating dalawa.
Paalam, salamat.
David
Comments
Post a Comment